haha nakaktuwa yung nanay ko tinuruan lang ako ng motor dami nang sinabi… sunday morning nandyan si papa hindi pumasok habang pinapainit yung motor niya… umupo ako dun sa motor
ako: ano pa paandarin ko na to?? (sabay tawa)
papa: sige paandarin mo marunong ka ba?
ako: hindi haha turuan mo ko?
pinaalis ako sa upuan ng motor…
papa: oh! bilis dito ka sa harap tuturuan kita
haha boom! di ako makapaniwala ! :) yung nanay ko lumabas ng bahay tigilan mo nga yan kababae mong tao gusto mong matutong magmotor… haha natatawa lang ako sa kanya di naman ako makikipagkarerahan sa motor noh ma…
so ayun ikot kami sa may moriones habang tinuturuan ako ni papa saya lang ng feeling considering na big bike pa yun. haha kala ko di ko kaya eh…
paguwi sa bahay nanay ko na sa labas nakikipagkwentuhan sa tita ko…haha syempre ako ngiti lang sa kanila pero siya sibangot pa din….
mama: hmmppp…! naku pagikaw nadisgrasya hindi na lang sasakyan ang pagaralan mo motor pa…
ako: eh! yun ung nandyan eh… sa susunod ma sasakyan naman… tagal ko na rin inaatay turuan ako ni papa walang lang time pag meron sasakyan naman :))
wala rin silang nagawa marunong na ko konti pa nga lang… :))

sa susunod eto naman pagaaralan ko :))



true